Payong Worship 1: Don’t Lose Heart
Payong Worship #1: Don’t lose your heart as you lead
Huwag mong hayaan na mawala o lumayo ang puso mo sa ministry, sa church, at lalong-lalo na sa Panginoong Jesus.
Manatili ka sa Panginoong Jesus…
Nakita mo ng nangyari sa ibang tao, tama ba? Mga taong nag-quit at kasama mo dati sa ministry, na lumayo, nanlamig, natisod, nawalan ng pananampalataya…
At ang nakakalungkot, hindi na nakabalik pa.
Kaya, manatili ka sa Panginoong Jesus…
As a ministry member or leader falls, nagtataka tayo bakit nawala sila sa track.
Pero alam mo, hindi rin naman malayo na mangyari sa atin ang ganyan, NONE OF US ARE FAR FROM THAT FALL
That’s reality, but it can be prevented.
Sabi ni Jesus sa John 15, “Abide in me… apart from Me you can do nothing.”
Abide in Jesus, MANATILI KA sa Panginoong Jesus, that’s the key to prevent us from losing our track.
And whenever you feel na yung passion mo for Christ, for the church, and for His ministry ay nawawala, pwede rin naman magpahinga, you need to get off the work-track din minsan.
Magpapahinga ha? Hindi hahanap ng ibang landas.
Magpapahinga pero magpapatuloy pa rin.
You can take a break from the ministry or much better take a personal spiritual retreat.
I-open up mo rin ang nararamdaman at pinagdadaanan mo, sa church, sa mga kasama mo sa ministry, or sa isang tao sa ministry na alam mong makakatulong at makikinig sayo.
I’m sure na susuportahan, papayuhan, at tutulungan ka nila.
Kaya stay connected pa rin. If you are not feeling yung thirst for the Living God, huwag lumayo sa church, sa mga kasama sa ministry, at sa Panginoong Jesus.
Manatili Ka sa Kanya at sa Kaniyang salita…
Hindi rin naman natin makikita ang solusyon sa mundo, malinaw naman ang sabi Niya, apart from Him we can do nothing. Sa Kanya pa rin tayo babalik at hahanap ng saklolo.
Keep into heart His Words and your calling. You are a worshipper and His own possession.
Don’t lose heart
Abide in Him
MANATILI ka sa Kaniya
That’s the ONE thing you need to do.
Ikaw? What steps are you taking whenever you feel na ang puso mo is not right with Jesus, your ministry, and your church?