Kapaskuhan Lyrics – Irving Galang / Augmented Seventh Music
Our 7th Tagalog Christmas song mula sa Pamaskong Awit 2021 album ng FILCCOM and UCAP!
KAPASKUHAN, composed by Irving Galang, arranged by Kent Lenard Villanueva, Jhun Carsano, Julius Sinday, Alexander Torreon, and interpreted by Augmented Seventh Music.
Click HERE to get your chords for this song.
Song Title: Kapaskuhan
Artist(s): Irving Galang | Augmented Seventh Music
Album: Pamaskong Awit 2021
Alam mo ba? Na ang sanggol na dinala ni Maria
Ay ang sanggol na nagdala ng saya
Sayo’t sa akin at sa bawat isa
Alam mo ba? Na para sa iyo’y pumarito Siya
Mula sa langit ang dala’y pag-asa
Sayo’t sa akin at sa bawat isa (ahaha)
At sa kapanganakan Niya sa sabsaban
Dumating sa atin ang Kaligtasan
Hesu-Kristo ang Kanyang pangalan
Laan Niya para sa iyo kaibigan
Regalong bagong buhay at kaligtasan
Siya si Kristo, ang tunay mong Kapaskuhan
Ngayong alam mo na
Tara, madiwang tayo at magsaya
Si nobyo man o nobya’y di kasama
Pag-ibig ng Diyos nama’y sapat na’t higit pa
Ngayong alam mo na
Tara’t itono ang iyong gitara
Pamaskong mga awit, siprahin na
At tugtugin habang ginugunita (ahaha)
Ang sa Kapanganakan Niya sa sabsaban
At pagdating sa ating ng kaligtasan
Hesu-kristo ang kanyang pangalan
Laan Niya para sa iyo kaibigan
Regalong bagong buhay at kaligtasan
Siya si Kristo, ang ating kaligtasan
Siya ang regalo na walang kapintasan
Na binigay para sa atin, kaibigan
Siya ang tunay
Siya ang tunay
Tunay na tunay ang paskong nagaganap sayo
Dahil si Kristo mismo ang tinanggap mong regalo
At siya lamang ang Siyang tunay Mong Kapaskuhan
Sa kapanganakan Niya sa sabsaban
Dumating sa atin ang Kaligtasan
Hesu-Kristo ang Kanyang pangalan
Laan Niya para sa iyo kaibigan
Regalong bagong buhay at kaligtasan
Siya si Kristo, ang tunay Mong Kapaskuhan
Feel free to leave your thoughts and comments below including requests for chords and lyrics of a specific Tagalog Christian song. We will surely include it in our list of upcoming posts. Keep on playing and keep on singing for Jesus and His Glory!
God bless and grace be with you, kaps!