fbpx
BlogKaps Inspirasyon

#KapsInspirasyon Day 2: Grow in the Grace and Knowledge

GROW IN THE GRACE AND KNOWLEDGE OF OUR LORD and SAVIOR

Ibig sabihin is for us to have a growing understanding of what Jesus did for us.

By His grace, the more we learn about Jesus at habang lumalalim tayo sa pagkakakilala sa Kaniya, siguradong lalalim rin ang ating pagpapahalaga sa Kaniyang mga ginawa para sa atin.

Lalalim ang ating pang-unawa at pagpapahalaga sa biyayang kaligtasan na ating tinanggap mula sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus.

At sa katotohanang ito rin maguugat at lalago ang pagbabagong inaasahan sa atin na mga tunay na Kristiyano.

So, paano at saan ba ito magsisimula?

Magsisimula ito sa pagaaral ng Kaniyang mga salita.

Kung ito ay maunawaan ng tama, sa guidance rin na mula sa Banal na Espiritu, ay maisasabuhay natin ang mga prinsipyo at katotohanan patungkol sa Diyos na mauunawaan natin mula rito.

Remember, 2 Timothy 3:16-17? What does a man of God need for him “to be complete and fully equipped for every good work?”

The answer, SCRIPTURE, the WORD OF GOD, ang Bible na mayroon tayong lahat ngayon.

Mga kaps, all scriptures point to Jesus, we will grow in the grace and knowledge of Him by reading and studying the Word of God.

Ang disiplinang ito kasama ng pananalangin ang isa sa mga pangunahing ginagamit ng Diyos upang lumago tayo sa pananampalataya sa isip, sa salita, at sa gawa.

Pagbabagong ang Diyos rin ang nagdudulot at sa Kaniya nagmumula.

Kaya lumago nawa tayo sa biyaya at sa pagkakakilalala sa ating Panginoong Jesus at “huwag maging mga tamad” sa pananalangin at sa pagaaral ng Kaniyang mga salita.

Sa biyaya Niya ito ay magagawa, para sa Kaniyang kaluwalhatian ito ay pagsusumikapan.

2 Peter 3:18, “But grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To him be the glory both now and to the day of eternity. Amen.”

#KapsInspirasyon are collection of devotionals and articles from Kaps Worship and turned into Christian motivation videos in Tagalog. Sa biyaya ng Diyos, makatulong nawa ito sa ating buhay pananampalataya, specifically sa ating paglakad sa buhay na ito bilang mga lingkod ni Cristo. Sa Diyos ang papuri!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *