#KapsInspirasyon Day 1: Fix Our Eyes On Jesus
To “fix” is to focus, to set, and to anchor our eyes sa ating Panginoon at Tagapagligtas.
Madali man tayong ma-distract ng mga bagay ng mundo, lalo na ng kasalanan at tukso,
hindi naman Niya tayo pababayaan at siguradong tayo ay Kaniyang tutulungan sa takbuhin na inilatag Niya para sa bawat isa sa atin.
Kaya mag-commit sa pagbabasa at pag-aaral ng Kaniyang mga salita at i-develop ang iyong prayer life mo.
Hindi on and off, hindi kung kailan ka lang kumportable,
hindi kung kailan mo lang gusto, at hindi kung kailan ka lang may problema.
We are now a new creation in Christ.
It is something that we will desire every day of our lives.
It is something na intentionally ay dapat na pinagsisikapan natin na gawin.
Lumalapit, lumalalim, at lumalago sa pagkakakilala sa Kaniya.
Remember that we are told to set our hearts primarily on the things above,
hindi sa mga bagay ng mundo na maglalayo at magpapalamig ng puso at paningin natin sa Diyos.
At gaya rin ng aking palaging ibinabahagi, remember Christ and preach the Gospel to yourself.
Tumakbo tayo ng may pagtitiyaga sa takbuhin na inilatag sa atin at laging panatilihin sa ating Panginoong Jesus ang ating paningin.
We are to run with perseverance the race marked out for us, fixing our eyes on Jesus, the author and finisher of our faith.
This will always be the best way to start our year.
Isang personal at intentional na desisyon na sa pagsisimula at pagtatapos ng taon na ang ating buhay, ang ating puso at ang ating atensiyon ay sa ating Panginoon at Tagapagligtas itutuon.
Sumaatin ang biyaya ng Panginoon sa layunin na ito.
God bless, mga kaps!
Hebrews 12:1-2, “looking to Jesus, the founder and perfecter of our faith, who for the joy that was set before him endured the cross, despising the shame, and is seated at the right hand of the throne of God.”
#KapsInspirasyon are collections of devotionals and articles from Kaps Worship turned into Christian motivation videos in Tagalog. Sa biyaya ng Diyos, makatulong nawa ito sa ating buhay pananampalataya, specifically sa ating paglakad sa buhay na ito bilang mga lingkod ni Cristo. Sa Diyos ang papuri!